SniperXF
Posts : 5 Reputation : 1 Join date : 2010-10-18
| Subject: Aalis na po muna ako ng AzN Ran Fri Feb 04, 2011 4:44 pm | |
| Maraming salamat po GMs and Admin sa patuloy na pag suporta nyo at paglapit nyo sa mga nangangailangang players, Nawa'y huwag po kayong mag sawang tulungan sila tulad ng pag tulong nyo saaming lahat na naglalaro sa server nyo. Ako po ay aalis na sa AzN sa kadahilanang kailangan ko po mag seryoso sa aking pag aaral. Nais ko po sanang maintindihan nyo ang lahat ng ito.
Binabati ko pong muli ang XFaCtor na tumanggap sa akin bilang isang myembro ng samahan sa MP. Mabuhay po kayong lahat.
huwag nyo po akong kalilimutan. babalik parin naman po ulit ako. hindi ko lang po alam kung kailan.
Mamimiss ko po kayo!
Wala pong nasayang sa donates ko dahil lahat iyon ay naenjoy ko at hindi ako nag sisi sa kung ano man ang ginastos ko, yun ay paraan na lamang ng pag tulong ko o natin sa server na ito. Maraming salamat kuya Kiyoshi sa pagiging malapit mo sa akin. Huwag mo sana kakalimutan ang ating pag kakaibigan. Huwag po mag alala. Kung maayos ko ulit ang pag aaral ko. babalik po muli ako dito sa AzN upang mag larong muli. Ngunit sa ngayon ay hindi muna ako maaring mag laro dahil nakatanggap ako ng masamang balita galing sa school namin at kailangan kong mag "Concentrate" muna ulit sa aking pag aaral.
Nais ko pong humiling kay Admin,
Tungkol po sa character ko.
Na kung hindi po maayos sa nasabing araw. Ay maaari nyo na po iyon isama sa mga na ban na characters. Handa naman din po akong gumawa ng bagong account kung sakaling ako'y makakabalik pa,
Admin Bing, GM Robbee, GM Ralph, at GM Blackstar,
Maraming salamat po sainyong mga tulong, Events, at mga pag papasaya, updates, at mga gamit na nakukuha namin sa mga events dito sa game. Sobrang naging masaya po ako sa 7 months kong pag lalaro sa server. Hindi po ako aalis ng tuluyan dito, sobrang mamimiss ko po kayong lahat. babalik rin po ako pagkatapos kong maayos ang grades ko sa school.
Alam ko po at naniniwala po akong mag papatuloy tuloy na ang server kaya umaasa po akong makakabalik pa ako dito.
sa aking pag balik. gagawa nalang po ako ng bagong character upang makatulong muli sa pag sasaaayos at pag papalaki ng server ng AzN. Ako po ay nangangako na hindi po ako lilipat/sisilip o susubok ng ibang server dahil dito po sa server ninyo ay subok ko na. at alam kong mas makakabuti kung dito narin lang ako babalik upang maglarong muli.
Admin. Sa uulitin.. Maraming salamat po!
GM Ralph, GM Blackstar mamimiss ko ang mga events nyo.
GM Robbee. Mamimiss ko po yung mga vend events mo.
Paalam po muna mahal kong AzN Ran!!!! | |
|
Kiyoshi Donor
Posts : 537 Reputation : 238 Join date : 2010-09-29 Age : 36 Location : Michiko's Heart
| Subject: Re: Aalis na po muna ako ng AzN Ran Fri Feb 04, 2011 5:50 pm | |
| Mamimiss ka din namin SniperXF.. I treasure our friendship, and sana nga sa araw ng pag balik mo sa AzN, maging magkaibigan pa rin tayo.. Unahin muna ang pag-aaral bago ang laro.. Salamat rin po SniperXF sa tiwalang binigay mo sa akin.
Mag-ingat ka po palagi.. Bisitahin mo nalang kami dito paminsan-minsan.. Ingat po!
God bless! | |
|
blackstar GM
Posts : 590 Reputation : 14 Join date : 2010-01-26
| Subject: Re: Aalis na po muna ako ng AzN Ran Fri Feb 04, 2011 6:50 pm | |
| ang haba. -.- I'm a lazy reader so, come back soon! | |
|
Kiyoshi Donor
Posts : 537 Reputation : 238 Join date : 2010-09-29 Age : 36 Location : Michiko's Heart
| |
facebook Donor
Posts : 92 Reputation : 1 Join date : 2010-10-31
| Subject: Re: Aalis na po muna ako ng AzN Ran Mon Feb 07, 2011 12:47 am | |
| mekeni mekeni ..magkasakit ku mamasa.haha! | |
|
Sponsored content
| Subject: Re: Aalis na po muna ako ng AzN Ran | |
| |
|